37

Dec 14, 2017 @ 11:56
By

Noynoy humarap sa pagdinig ng Senado sa Dengvaxia

Humaharap ngayon si dating Pangulong Benigno Aquino sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee ukol sa umano’y minadaling pagbili ng kaniyang administrasyon sa bakuna kontra dengue.

Bago ang pagdinig, sinabi ni Aquino sa panayam sa Senado na sasagutin nya ang lahat ng mga paratang laban sa kanya.

Kampante na maipaliliwanag nya ang lahat ukol sa pagbili ng bakuna.

“I think we’re confident in our position. Saka may opportunity para naman masagot lahat ng mga innuendos na ibinabato kaliwa’t kanan,” ayon kay Aquino.

Dahil sa mga isyu sa bakuna, sinabi ni Aquino na nakita nya ang pangangailangan na magsalita sya para mapawi ang mga pangamba at mailagay sa lugar ang mga usapin.

“I think with the announcement by Sanofi and the reactions to it, there has been a lot of tension building up. And I think it’s incumbent upon me even as a citizen to try and allay certain fears, put it in the proper perspective,” sabi ni Aquino.

Kasama nyang humaharap sa pagdinig sina dating Executive Secretary Paquino Ochoa at dating Budget Secretary Florencio Abad.  (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?