76

Dec 12, 2017 @ 16:57
By

Noynoy haharap sa imbestigasyon ng Senado sa Dengvaxia

Handang humarap sa Senado si dating Pangulong Benigno “Noynoy’ Aquino III kaugnay sa kontrobersiyal na dengvaxia vaccine issue.

Kasunod ito ng hakbang ng Senate Blue Ribbon Commitee na imbitahan ang dating Pangulo para magbigay -linaw sa isyu ng depektibong Dengvaxia vaccine na binili noong panahon ng kanyang termino.

Sinabi ng dating Pangulo na hindi pa niya natatanggap ang imbitasyon pero naghahanda na siya sakaling nais siyang paharapin ni senador Dick Gordon sa kanyang komite.

“We have not received the invitation but are preparing in case they send one,” pahayag ni Aquino.

Nauna nang pinaharap sa Senate blue ribbon committee si dating Health secretary Janet Garin kasama ang mga kasalukuyang opisyal para magbigay-linaw sa kontrobersiyang nakapaloob sa anti-dengue program ng Department of Health kung saan inihayag ng Sanofi Pasteur, ang kumpanya ng Dengvaxia na may peligro sa mga hindi pa nagka-dengueng mga bata ang bakunang itinurok sa kanila.

Bukod sa dating Pangulo, ipatatawag din ni Gordon si dating Budget Secretary Florencio “Butch” Abad. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?