57

Dec 15, 2017 @ 14:47
By

Noynoy, in good faith sa Dengvaxia – JV

Kumbinsido si Senador JV Ejercito na naging tapat ang layunin ni dating Pangulong Benigno Aquino III noong aprubahan nito ang pagbili ng mga bakuna laban sa dengue.

Nakita niya na hinangad ni Aquino na agapan ang higit pang pagdami ng may sakit na dengue at kumpiyansa nitong pinaniwalaan na ligtas ang bakuna dahil iyon ang ulat ng kanyang mga tagapayo.

“Personally, I think PNoy did it in good faith, to avert dengue outbreak in the future,” ayon kay Ejercito, chairman ng Senate committee on health.

Natural naman umanong pinagtiwalaan ni Aquino noon si dating DOH Secretary Janet Garin at iba pang technical advisers na nagsabi sa kanya noon na ligtas ang bakuna.

“President rely on their Secretaries or heads of agencies for information on every important issue. A President would presume that the due diligence was done, that clinical tests were likewise completed and strict protocols were followed,” dagdag pa nito.

Pero diskumpiyado ito sa mga tauhan sa pagligid ni Aquino na malamang umano na hindi ipinagtapat noon sa dating pangulo ang lahat ng impormasyon ukol sa bakuna kabilang ang impormasyon na delikado ito sa hindi pa nagkakasakit ng dengue.

“My personal take is that not all information was disclosed, so that the transaction will push through. Possible that he was misinformed on the whole dengue vaccine issue,” sabi pa ni Ejercito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?