By

Noynoy, Garin pinakakasuhan ng Senate panel sa Dengvaxia mess

Sharing is caring!

Patong-patong na kasong kriminal ang malamang na umanong kaharapin nina dating Pangulong Benigno Aquino III, dating Health Secretary Janet Garin, ng kumpanyang Sanofi Pasteur at iba pang responsable sa minadaling mass vaccination ng Dengvaxia.

Ayon kay Senador Richard Gordon, maaring irekomenda ng Blue ribbon committee na kasuhan sina Aquino para sa paglabag sa Government Procurement Law dahil sa pagbili ng bakuna bago mag-eleksiyon, para sa gross negligence, deriliction of duty at iba pang asunto.

Dahil sa pagmamadali sa pagbili at pagbabakuna ng Dengvaxia kahit hindi pa iyon garantisadong ligtas, nalagay sa alanganin ang kalusugan ng 830,000 na naturukan, nasayang ang pera ng gobyerno at nagdulot ng matinding pighati sa mga namatayan ng anak at pagkabahala sa mga magulang ng nabakunahan.

Maliwanag umano ang pananagutan ni Aquino dahil ito ang commander-in-chief na nagbigay ng permiso para bilihin ang Dengvaxia sa halagang P3.8 bilyon.

Naging mabilis din umano ang pagbili ng Dengvaxia nung makipagkita si Aquino sa mga ehekutibo ng Sanofi Pasteur sa China at Paris.

Si Garin naman umano ang mistulang kapitan na inutusan ng commander-in-chief na magmadali sa bakuna.

“Kung hindi sinunod iyan somebody has to be held responsible. Who pushed the button? Who said gawin na natin ito? Damn the torpodoes, full speed ahead,” ayon kay Gordon.

Kasama aniya na maari ring kasuhan si dating Budget Secretary Butch Abad na mabilis na nagpalabas ng pambili ng Dengvaxia.

“Definitely lahat sila, anybody tat has anything to do with the speed, the undue haste, the wastage, and above all, the severe pain that has been inflicted to the parents,” ani Gordon.

Maari naman umanong kasuhan ang Sanofi dahil sa siansabing pagtatago ng katotohanan na posibleng hindi ligtas ang Dengvaxia sa seronegative o hindi pa nagkakaroon ng dengue.

Bukod dito, sinabi ni Gordon na puwede ring magdemanda ang mga magulang ng mga nabakunahan.

Maari aniyang magsampa ang mga namatayan ng anak ng kasong murder, multiple homicide o kaya ay reckless imprudence resulting in homicide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?