36

By

Noynoy, Garin dapat magsalita na sa Dengvaxia controversy – Duque

Sharing is caring!

Hinamon ni Health Secretary Francisco Duque sina dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III at dating Health secretary Janette Garin na magsalita na kaugnay sa kontrobersiyal na anti-dengue vaccine.

Sinabi ni Duque sa Malacañang noong Biyernes na mas mainam na maagang magsalita ang dating Pangulo at ni Garin para hindi ba magsanga-sanga pa ang isyu at matuldukan agad ang mga espekulasyon.

Sinabi ni Duque na mas mainam para sa dating dalawang opisyal na sabihin kung ano talaga ang nangyari sa anti-dengue vaccination program ng mga ito.

“But it will be good for everyone. I believe very strongly, it is going to be good for everyone to come forward and to say his or her piece and to explain. Otherwise, there will be too many speculations ‘no and sometimes there are innuendos, very toxic speculations or innuendos ‘no,” ang pahayag ni Duque.

Naniniwala ang kalihim na malinis naman ang intensyon nina Aquino at Garin nang ipatupad ang anti-dengue vaccine dahil ibinase nila ito sa guidelines na inilabas ng World Health Organization.

“So to prevent that from snowballing, might be good, sabihin na lang kung ano talaga because I’m sure they actually meant well. I have no doubt that they did mean well,” dagdag pa ni Roque.

Ang pagbili at paggamit ng palpak na Dengvaxia ay nakatakdang imbestigahan ng National Bureau of Investigation matapos ianunsiyo ng Sanofi Pasteur, ang kumpanyang pinagbilhan ng vaccine, na may peligro ang bakuna sa mga hindi pa nagkaka-dengue.

Kabilang din sa aalamin sa imbestigasyon kung saang ahensiya ng gobyerno kinuha ang pondong ipinambili sa Dengvaxia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?