77

Dec 14, 2017 @ 12:02
By

Noynoy dinipensa ang paggamit ng Dengvaxia vaccine

Ipinatanggol kanina ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang desisyon ng kanyang administrasyon na bumili ng kontrobersiyal na anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Sa kanyang pagharap sa Senate blue ribbon committee sa imbestigasyon sa P3.5 bilyong anti-dengue program, sinabi ni Aquino na nagprotesta sa kanyang desisyon noon.

“Diin ko lang po: Bago nagdesisyon ang gobyerno sa Dengvaxia, habang nagdedesisyon, pagkatapos magdesisyon at hanggang sa ngayon, walang naparating sa akin ng pagtutol sa bakuna,” pahayag ni Aquino.

“Kaya natin inilunsad ito sa NCR, Calabarzon, at Central Luzon, dahil ayon sa datos ng DOH, ito po ang tatlong pinaka apektadong rehiyon nung 2015 kaugnay ng dengue,” dagdag pa nito.

Nagsimula umano ang kanyang administrasyon sa nasabing programa nang makatanggap ng memo mula kay dating Health Secretary Enrique Ona noong 2010.

Kung hindi umano niya itinuloy ang programa, siguradong sisisihin siya ng kanyang mga kritiko dahil nito natugunan ang problema sa lumalala noong kaso ng dengue.

“Kung di lumabas itong sinabi ng Sanofi, at nagdesisyon akong hayaan na lang na magdusa pa ang mga boss ko, gayong may bakuna na, palagay ko ngayon, iba ang tanong ninyo at asunto sakin: Bakit mo pinabayaan ang Pilipino?” sabi ng dating Pangulo. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?