20
dick-gordon
By

Noynoy, ‘di uurong sa dagdag na kaso kaugnay ng Dengvaxia

Sharing is caring!

Nakahanda si dating Pangulong Benigno Aquino III sa anumang dagdag na kasong isasampa laban sa kanya kaugnay sa kontrobersiya ng mga biniling Dengvaxia vaccines.

Kasunod ito ng resulta ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamunuan ni Senador Richard Gordon sa isyu ng Dengvaxia na dapat kasuhan ng technical malversation sina dating Pangulong Aquino, dating Budget Secretary Florencio Abad , dating Health Secretary Janet Garin at iba pang opisyal at mga dating opisyal.

Batay sa ipinalabas na statement ng tagapagsalita ng dating pangulo na si Atty. Abigail Valte, ipinakita aniya ng kanyang kliyente ang kahandaang sumagot sa mga tanong kaugnay sa naging desisyon nito sa pagbili ng mga kinukuwestiyong bakuna sa kanyang kapasidad bilang dating presidente.

Patunay aniya rito ang pagdalo ni Aquino sa imbestigasyon ng Senado at Kamara sa Dengvaxia controversy.

“Former President Aquino has always demonstrated his readiness to answer questions about his decisions as president. His consistent participation in legislative investigations and other venues shows this. He will continue to face whatever additional complaints are filed in connection with this matter,” ani Valte.

Ang kontrobersiya sa Dengvaxia issue ay nag-ugat sa pagkamatay ng ilang estudyanteng naturukan ng bakuna kontra dengue.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?