1,702

Dec 16, 2017 @ 9:50
By

Noynoy, ‘di na kailangan ni Gordon

Wala nang balak si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na ipatawag pang muli si dating Pangulong Noynoy Aquino sa pagdinig hinggil sa Dengvaxia issue.

“No, I didn’t really need him anymore. That’s why I respected him for coming. And he really came out, he owned up ‘di ba? I respect him for that. That’s why I was prepared to give him all the respect that is due,” saad ni Gordon nang tanungin kung ipatatawag pang muli si Aquino.

Mistula namang inabsuwelto na ni Gordon ang dating Pangulo sa pananagutan sa isyu at isisi sa mga subordinate nito ang kapalpakan sa desisyon.

“I will just say I would have been more careful if I was working for the President, I would protected him that this is the proper way to do it,” saad ni Gordon.

Samantala, naniniwala rin si Senador Sherwin Gatchalian na dumepende ang dating Pangulo sa kanyang alter ego na pinagkatiwalaan nitong nagbigay ng accurate information sa dengue vaccine.

“It is the responsibility of the alter ego, in this case former secretary (Janette) Garin to meticulously vet any proposals for public health to the President,” saad ni Gatchalian.

Malinaw aniya sa hearing na ang dating kalihim ang nagbigay ng hindi kumpletong impormasyon sa dating lider.

Sinabi naman ni Senador Joel Villanueva na naniniwala siyang umakto ang dating Pangulo para sa interes ng mamamayan.

“I stand by President Noy, given the circumstances, information and research given and available to him, he acted in the best interest of our people,” saad ni Villanueva.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?