21

By

Noynoy dapat dumalo sa pagdinig ng Kongreso sa Dengvaxia – Duque

Sharing is caring!

Pinayuhan ni Health Secretary Francisco Duque si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na dumalo sa magkahiwalay na pagdinig na isasagawa ng Senado at House of Representatives kaugnay sa P3.4 bilyong dengue vaccination program na inaprubahan sa ilalim ng kanyang administrasyon.

“The President should himself come forward and say, ‘This is what happened and this is what I agreed to based on sound recommendation that I thought, I followed because somebody advised me,’” ayon kay Duque.

Sinabi ni Duque na ang pagharap ni Aquino sa imbestigasyon ay makabubuti para sa kanya.

Mag-iimbestiga rin ang Kongreso sa Dengvaxia na minapaktura ng Sanofi Pasteur Inc. na una nang ipinatanggal sa merkado matapos aminin ng kumpanya na maaring magdulot ng mas malalang dengue ang pagbabakuna nito sa mga taong hindi pa nagkaka-dengue.

Sanhi nito, plano rin ni Duque na i-refund sa Sanofi ang P3.4 bilyong ipinambili ng Dengvaxia.

Kaugnay nito nagpahayag naman ng kahandaan si dating Health Secretary Janette Garin na humarap sa anumang pagdinig na gagawin ng Kongreso hinggil sa dengue vaccination program .

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?