58

Dec 13, 2017 @ 20:52
By

Noynoy dadalo sa Dengvaxia probe ng Senado

Haharap bukas ng umaga. Huwebes, si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa P3.5 billion na halaga ng dengue vaccine contract.

Umaasa naman ang dating Pangulo na sa kanyang pagharap sa kumite ay magreresulta sa magandang diskusyon upang makabuo ng mga nararapat na aksyon sa problema.

“I hope that my appearing will promote a more sober discussion leading to the formulation of appropriate actions,” saad ni Aquino.

Posible rin umanong dumalo sa pagdinig si dating Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr.

Tiniyak naman ni Blue Ribbon Committee chairman Richard Gordon na itatrato nila ng may paggalang si Aquino.

“We will treat them with respect. I can assure you that,” saad ni Gordon.

“My politics is basically protecting the country, protecting the young people of this country, especially the kids and let the cards fall where they may…Hindi naman natin babastusin ang Pangulo,” dagdag nito.

Sa naunang pagdinig sa isyu, lumilitaw na inaprubahan ni Aquino ang pagpapalabas ng pondo para sa procurement ng bakuna kahit hindi pa natatapos ang pag-aaral sa epekto nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?