52

Dec 7, 2017 @ 14:22
By

Noynoy babalatan ng Senado sa dengue vaccine scam

Hindi magdadalawang-isip ang Senado na ipatawag si dating Pangulong Noynoy Aquino kung lulutang sa mga imbestigasyon na pinamadali nito ang pagbili ng anti-dengue vaccine mula sa kumpanyang Sanofi Pasteur.

Ayon kay Sen. JV Ejercito, chairman ng Senate committee on health, bibigyan nila ng pagkakataon si Aquino na magpaliwanag at magdepensa ng sarili.

Sa inisyal na impormasyon, dalawang beses na nakipagpulong si Aquino sa Sanofi at kasunod nito, naging madalian ang pagbili at pamumudmod ng mga bakuna dahil mag-eeleksyon noong 2016.

Pero idiniin ni Ejercito na hindi pa imbitado si Aquino sa pagdinig sa Lunes, Disyembre 11, ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa bakuna.

Uunahin munang hingan ng paliwanag si dating Health Secretary Janet Garin na nagrekomenda noon ng pagbili ng bakuna.

Ipinatawag din si dating Health Secretary Pauline Ubial na nagpatupad ng dengue vaccination program bagaman kinontra niya ito noong una.

“I expect them to attend the hearings. Kritikal ang isyu. Hindi lang ito tungkol sa public funds, public health issue ito,” diin ni Ejercito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?