56

Jun 21, 2018 @ 10:54
By

Noynoy, Abad kayang depensahan ang DAP case – Pangilinan

Hindi nababahala si Senador Francis “Kiko” Pangilinan para kina dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino at dating budget Secretary Florencio Abad na pinakasuhan ng Office of the Ombudsman dahil sa Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ayon kay Pangilinan, pangulo ng LP, kayang harapin ng dalawa ang reklamo dahil wala namang ginawang krimen.

“We believe in the innocence and integrity of both PNoy and Sec Abad. We know they will be able to ably defend themselves from the charges,” sabi ni Pangilinan.

Pinakasuhan ng Ombudsman sina Aquino at Abad ng Usurpation of Legislative Powers dahil nagdeklara umano ng savings sa kalagitnaan ng taong 2012 at ginamit ito sa DAP.

Umano’y idinagdag iyon sa pork barrel funds ng mga senador at konggresista, tyempong impeachment trial laban kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?