991

Aug 4, 2018 @ 15:25
By

Noy kay Cayetano: Mag-Google ka!

Agad binuweltahan ni dating Pangulong Noynoy Aquino si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano sa mga ibinatong tanong ng huli ukol sa isyu sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni Aquino na ang mga sagot sa mga ipinukol sa kanyang tanong ni Cayetano ay mahahanap sa pamamagitan ng internet.

Dagdag pa nito, sa posisyon ni Cayetano, abot-kamay lang nito ang mga dokumento at tao na may nalalaman hinggil sa isyu.

“Your open letter was brought to my attention. I would have to say that the overwhelming bulk of the questions that you put forward could easily be answered through a quick Google search, which would reveal, among others, my statements, our actions, and the positions of the parties who were involved in the matter,” ang buwelta ni Aquino kay Cayetano.

Dagdag pa ng dating pangulo, kapag sinagot niya punto-por-punto si Cayetano ay nagmistulang ibinulatlat na rin niya ang lahat ng impormasyon at estratehiya sa China.

Pagdidiin nito, mapapaghandaan na ng China ang mga maaaring gawin ng Pilipinas at mas mahihirapan si Cayetano.

Magugunita na ang nakaraang administrasyon ang naghain ng kaso laban sa China sa Arbiral Tribunal sa The Hague at sa unang buwan ng administrasyong Duterte ay lumabas ang desisyon na pumabor sa Pilipinas. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?