180

By

Nowitzki tanggap na: Pagpasok ni Jordan sa Mavs, hudyat ng pagbulusok ng karera

Sharing is caring!

40-anyos na ang Dallas Mavericks legend na si Dirk Nowitzki, at dahil na sa nagbabagong pangangatawan, mukhang tanggap na niya na ito na ang kanyang huling taon para sa koponang kanyang naging tahanan.

20 taon nang naninillbihan si Nowitzki sa Dallas, kalahati ng kanyang buhay ay ibinigay niya sa prangkisa, ngunit kasabay ng paglipas ng panahon ay ang pag-usbong ng mga bagong manlalaro.

Sa pagpasok ni All-Star center Deandre Jordan sa Mavericks, tila hudyat ito na naghahanda na ang koponan para sa panibagong yugto, na kinumpirma naman ni coach Rick Carlisle.

“At this point, and Dirk knows this, we talked about it, we have to move the franchise forward the right way,” saad ng Dallas Mavericks coach.

Hindi naman pumalag ang German na si Nowitzi, sinabing nasipat na niya ang magiging kapalaran sa team buhat ng pumasok si Jordan sa tropa.

“When we signed DeAndre, it was pretty much clear in my head that I’m coming off the bench. It’s all about winning, at the end of the day. Whatever puts us in the best position to win is what we’re going to roll with” saad ng 2007 NBA MVP.

Sa kanyang pakikipagkiskisan sa liga, nakapagposte ang one-time NBA champion ng 12.0 points at 5.7 rebounds noong nakaraang season kahit pa nananakit na ang ilang parte ng katawan.

At kung sakaling ito na ang nga ang huling sayaw ni Nowitzki, makakasabayan niya ang naging karibal noong 2011 na si Dwyane Wade matapos manaig ng una sa kanilang finals match-up sa Miami Heat. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?