31
ABANTE mavericks dallas nowitzki smith nba
Jan 10, 2018 @ 14:48

Nowitzki-Smith Jr combo, tumapos sa 3-game losing streak ng Mavs

Tinapos nina Dirk Nowitzki at rookie Dennis Smith Jr. ang tatlong sunod na semplang ng Dallas Mavericks sa paggapi sa Orlando Magic, 114-99, nitong Martes (Miyerkules, Manila time).

Parehong umiskor ng 20 points ang dalawa sa unang panalo ng Mavs mula pa noong Disyembre 31 kontra Oklahoma City.

Bunga nito’y nakuha ni Mavericks coach Rick Carlisle ang kanyang 708th career win, na inalpasan si John MacLeod para sa 17th sa NBA history.

Si Aaron Gordon ay naka-ambag ng 19 points sa Magic, na patuloy ang pagdausdos na naging lima na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?