33

Nov 11, 2021 @ 18:21
By

Now Telecom pinasisingil sa P2.6B utang

Naghain ang Office of Solicitor General (OSG) ng mosyon sa Korte Suprema na humihiling na resolbahin ang kaso tungkol sa unpaid obligation ng Now Telecom sa gobyerno na nagkakahalaga ng P2.6 bilyon.

Nais ng OSG na mabawi ang hindi pa nababayarang Supervision and Regulation Fee (SRF) at Spectrum User Fees (SUFs) bukod sa accumulated fines at penalties na hindi pa nababayaran ng Now Telecom na puwedeng pandagdag sa relief funds ng gobyerno para sa COVID-19 response.

Sa kanilang mosyon, hiniling ng OSG sa High Tribunal na lutasin na ang kaso sa lalong madaling panahon dahil lahat na partido ay nakapagsumite na ng kani-kanilang memoranda at wala na ring nakabinbing pangyayari na kailangan pang tugunan.

“Considering the contingent nature of the collection of the aforementioned receivables, and in further consideration of the government’s needs for funds to defray the costs of its COVID-19 response, the prompt resolution to the present cases is most humbly requested,” sabi ng OSG sa inihain nilang mosyon sa Korte Supremea noong Oktubre 25, 2021.

Ang P2.6 bilyong na binabawi ng gobyerno sa Now Telecom na 85.32% ng mahigit sa P3 bilyon na “unresolved receivables” ng gobyerno, ay bahagi ng report ng state auditors para sa period ng Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2020.

“Particularly for the present cases, the Commission on Audit took note that unresolved receivables in the total amount of Php2,615,868,531.30 is attributed to the above-captioned cases in the form of unpaid Supervision and Regulation Fees (SRF) and Spectrum User Fees (SUF), including accumulated fines and penalties, computed as of 31 December 2020,” sabi ng OSG.

Naghain ang mga abogado ng gobyerno ng reiterative motion para sa maagang resolusyon sa Korte Suprema noong Pebrero 2019.

Hinamon ng Next Mobile, Inc, dating pangalan ng Now Telecom Company, Inc., ang desisyon at resolusyon ng Court of Appeals noong 2009, na nagpapatibay sa letter-assessment ng telecommunications regulatory body na naghahangad na makolekta ang P126 milyon na SRF at halos P9.7 milyon sa SUF, noong Disyembre 2005.

Nitong Disyembre 2020, umabot na ang unpaid obligation ng Now Telecom sa gobyerno sa P2,615,868,531.50, kasama na ang penalties at fines.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?