36

May 25, 2020 @ 21:51

Novaliches District Hospital isasara ng 3 araw

Pansamantalang isasara ang Novaliches District Hospital simula Martes.

Ayon sa Facebook post ng Quezon City government, mula Mayo 26 hanggang Mayo 28 isasara ang ospital pero mananatiling bukas ang emergency room nito.

Ito’y upang bigyang-daan ang disinfection sa ospital matapos ilang empleyado nito ang nagpositibo sa COVID-19.

Maaari naman umanong magtungo sa Quezon City General Hospital sa Project 8 at Rosario Maclang-Bautista General Hospital sa Batasan Road ang mga residenteng nais magpagamot.

“Critical areas will undergo wall-to-wall disinfection, particularly wards, emergency room and admitting areas,” sabi sa post.

“We are leaving no stone unturned in ensuring the general welfare of patients, health workers and the perimeter community,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?