40

Jan 16, 2019 @ 15:23
By

Novak, Serena nakalusot sa 1st round ng Aussie Open

Pinatunayan ni Serbian tennis player Novak Djokovic kung bakit siya ang world no.1 seed ngayon nang talunin nito si Mitchel Krueger Martes ng gabi sa Australian Open 2019.

Pinataob ni Djokovic si Krueger sa straight sets 6-3, 6-2, 6-2 upang makapasok sa second round ng torneo.

Sunod na makakaharap ni Djokovic si French player Jo-Wilfried Tsonga sa next round.

Samantala, wagi rin si American superstar Serena Williams laban kay German Tatjana Maria sa score na 6-0, 6-2.

“The last time I was here I was pregnant and playing at the same time which is insane, it’s weird walking back on- by myself this time- it feels good. I have so many memories from last time I was here,” kwento ni Williams matapos ang laban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?