78

Jan 27, 2019 @ 20:53
By

Novak Djokovic kampeon sa Australian Open 2019

Wagi si world No.1 Novak Djokovic kontra kay Rafael Nadal sa Australian Open 2019 finals sa score na 6-3, 6-2, 6-3 Linggo ng gabi (Manila time).

Unang set palang ay nagpakitang gilas na ang Serbian player sa pamamagitan ng kanyang mga service aces.

Pagdating na second set ay mas lalo pang naging kontrolado si Djokovic lalo na’t panay ang unforced errors ni Nadal.

Tila ‘unstoppable’ na ang naging performance ni Djokovic pagdating ng third set kaya’t nanalo ito straight sets.

Kagaya ni Naomi Osaka, women’s singles champion ng Aussie Open, back-to-back Grand Slam Champion rin si Djokovic na matatandaang nanalo rin sa US Open noong Setyembre 2018.

Ito na ang pang-pitong kampeonato ni Djokovic sa Aussie Open at pang-15 na title bilang Grand Slam champion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?