31

By

Notoryus na tinedyer tokhang ang inabot sa Antipolo

Sharing is caring!

Patay ang isang 18-anyos na lalaki na kilalang kasapi sa mga nagaganap na serye ng motorcycle-napping, robbery hold-up at pagtutulak ng droga matapos makipagbarilan sa mga awtoridad sa ikinasang buy-bust operations sa Antipolo City.

Batay sa report, naganap ang insidente bandang alas-10:30 noong Martes, Setyembre 11, sa kahabaan ng Sitio Broadway, Barangay Dela Paz, Antipolo City na kung saan ikinasa ang buy bust operations ng mga tauhan ng Rizal Highway Patrol Group (RHPG), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) PRO 4A at Antipolo Police.

Dead-on-the-spot ang suspek na si King Allain Viesa y Matias, Moy-Moy, 18-anyos, may live-in partner, ar residente ng Sitio Broadway, Barangay Dela Paz, Antipolo City.

Ayon kay Police Officer In-Charge PSupt. Villaflor Bannawagan, ikinasa ang buy-bust matapos ang mahigit isang linggong surveillance laban sa suspek na notoryus na carnapper, kasama pa sa serye ng robbery holdap at nagbebenta pa ng iligal na droga.

Nakipagtransaksyon ang isang pulis na umaktong buyer ng shabu subalit nakatunog umano ang suspek nang akto na nitong iaabot ang dalang shabu at agad na bumunot ng baril at pinaputukan ang mga pulis na nasa paligid na agad naman nitong ikinasawi dahil sa dami ng mga operatiba ang kasama sa operasyon.

Narekober mula sa nasawing suspek ang isang rebolber na walang label na may tatlong fired cartridge case, tatlong cartridges, isang patalim, apat na fired cartridge case, isang body bag na naglalaman ng tatlong piraso ng plastic sacahet na naglalaman ng shabu, pitong bala ng cal.38, limang bala ng cal.40; dalawang motorcycle, 11 piraso ng helmet, at P200 buy-bust money.

Dinala ang bangkay ng suspek sa Heaven’s Gate Funeral Homes para sa otopsiya at ipagbigay alam sa mga kaanak nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?