71
tnt_guns
Oct 24, 2017 @ 11:15

Notoryus na snatcher, binoga sa ulo

Patay ang isang kilabot na snatcher matapos barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang salarin sa Tondo, Maynila kaninang madaling araw.

Inaalam pa ang buong pagkakakilanlan ng biktima na na nakilala lamang sa pangalang alyas Atong na nakasuot ng kulay itim na sando, maong na shorts at tsinelas.

Ayon kay Barangay kagawad Manuel Jacinto, nakarinig sila ng isang putok ng baril at nakita na lang ang biktima na nakabulagta sa tabi ng kanyang bisikleta na may tama ng baril sa ulo.

Isa umanong kilabot na isnatser sa kabilang barangay ang biktima. Iniimbestigahan pa rin ng MPD ang nasabing krimen. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?