64

By

Notoryus na miyembro ng akyat-bahay, salisi gang, dedo sa follow-up ng Marikina Police

Patay ang kinikilalang notoryus na akyat-bahay at salisi gang member matapos makipagbarilan sa mga rumespondeng Marikina Police sa ikinasang follow-up operation matapos mabisto ang tangkang pagnanakaw sa isang bahay sa Barangay Malanday, kaninang madaling araw, Setyembre 22.

Batay sa nakalap na ulat mula sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director PBGen. Johnson Almazan, nakilala ang suspek na si Jambeel Dasmariñas, alyas Makmak, kasama umano sa serye ng pagnanakaw na nagaganap sa Marikina City.

Ayon kay Marikina Police SSOU chief PCpt. Jervies Soriano, naaresto ang suspek bandang alas-3:10 ng madaling araw sa creekside, Libis Bulelak St., corner Narra St. ng nasabing barangay.

Bago ang insidente ay nakatanggap ng tawag ang mga tauhan ng Marikina City Police Station Tactical Operation Center kaugnay sa kahina-hinalang kilos ni Makmak na paikot-ikot sa bahay at nabubulabog sa mga nagtatahulang aso.

Agad na rumesponde sina PCpt. Jervies Soriano at sinita ang suspek, na agad tumakbo at nagpaputok ng baril.

Doon na nagkaroon ng shootout sa pagitan ng suspek at mga pulis na ikinasawi ni Makmak na nakuhanan ng isang .38 revolver.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?