47

Feb 5, 2018 @ 19:39
By

Notoryus na kriminal sa Malabon, nadakip

Timbog sa mga awtoridad ang isang miyembro ng gun for hire group na sangkot sa serye ng mga pagpatay at pagnanakaw ng sasakyan sa lungsod ng Malabon kagabi.

Ganap na alas-10:30 ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Malabon City Police sa kahabaan ng Dr. Lascano St., Barangay Tugatog ng nasabing lungsod at nadakip si Kenneth Concepcion, alyas Mac-Mac, 27, San Jose Del Monte, Bulacan.

Sa interogasyon na ginawa kay Mac-Mac, inamin nito ang pangkakasangkot sa nangyaring pagpatay sa Barangay Polo, Valenzuela at ang plano pang murder sa Malabon kasama ang kasabwat na nakilala niya nang makulong sa Malolos, Bulacan sa kaso namang robbery.

Inamin din nito ang serye ng pagnanakaw ng motorsiklo sa lungsod.

Narekober sa suspek ang isang .45 na baril at isang magazine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?