25

Oct 31, 2020 @ 21:32
By

Notoryus na carnapper dakma sa burol ng asawa

Nahuli ang isang most wanted carnapper ng Pangasinan matapos niyang dumalaw sa burol ng kanyang asawa sa Nueva Ecija.

Kinilala ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang suspek na si Mary Jane Tolentino Bautista, 53, ng Barangay Rosario, Pangasinan.

Nadakip siya ng mga tauhan ng Pangasinan Provincial Highway Patrol Team at Nueva Ecija Police noong October 29 habang nasa burol siya ng mister sa Barangay Papaya, San Antonio.

Hinikayat ng mga awtoridad ang mga biktima ni Tolentino na magsampa ng reklamo sa PNP-HPG Pangasinan. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?