24

Oct 20, 2021 @ 16:09
By

Notorious na kelot tiklo sa Bulacan

Timbog ang isang lalaki matapos makorner sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa San Jose del Monte (SJDM), Bulacan.

Kinilala ang suspek na si Gregory Macalam na kasama umano sa watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police.

Ayons ulat ng Unang Balita, tintayang nasa 50 gramo hinihinalang shabu ang nakumpiska sa suspek.

Batay sa report, aabot ito sa P370,000

Si Macalam umano ang nagpapakalat ng droga as iba’t ibang lugar sa SJDM.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?