67

Jun 13, 2020 @ 16:10

Notorious gang leader nakorner sa Bataan

Di na nakapalag pa ang isa umanong leader ng criminal group nang salakayin ng Criminal Investigation and Detection Group ( CIDG) Bataan ang tirahan nito sa gilid ng tulay sa Roman highway barangay Mambog, Hermosa, Bataan kahapon.

Batay sa report na ipinadala ni Major Christian Burgos, hepe ng CIDG Bataan, kinilala ang nadakip na si Elmer Napiñas; 29, na sangkot umano sa gun running at illegal grugs at leader ng notorious criminal gang.

Nakuha sa isinagawang ‘search warrant’ sa tirahan nito ang isang short firearm na cal. 45 pistol at mga bala, granada, teargas at magazine ng 9mm na baril.

Ang nasabing pagdakip ay pinangunahan ni CIDG Bataan Deputy Chief, Police Capt. Alvin Caballes sa bisa ng search warrant mula kay Executive Judge Maria Lourdes Ignacio ng Bataan RTC Branch 5.

Katuwang din sa naturang operasyon ang Hermosa PNP sa pamumuno ni Jeffrey Onde, EOD Bataan, PMFC Bataan, at PIB sa pamumuno ni Maj Galahad Taquiban.

Ang naarestong suspek ay nasa kustodiya na ngayon ng CIDG PFU BATAAN. (Randy V. Datu)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?