33

Oct 11, 2017 @ 10:40

‘Not happy sa panalo’ – coach Vergel

Hindi makumpleto ang saya ni JRU head coach Vergel Meneses dahil sa katigasan ng ulo ng kanyang players.

Swak sa Final Four ng 93rd NCAA basketball tournament ang Heavy Bombers matapos ibalik sa lupa ang Mapua 62-58 kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Nahirapan ang Kalentong-based squad na kumalas dahil hanggang sa huli ay dinikitan sila ng Cardinals

“Honestly I’m not happy. They didn’t want to follow instructions. They thought they can beat them on offense alone and ayun nga nangyari,” wika ni Meneses.

Bumangis ang depensa ng Heavy Bombers, hindi pinaiskor ang Cards sa final 2 minutes.

Nasolo ng JRU ang third spot sa 11-6.

Natuldukan ang two-game winning streak ng Cardinals (3-13).

Tumikada si Tey Teodoro ng 19 points para sa JRU, bumakas si Jed Mendoza ng 10 markers at tatlong assists. Kumana si Abdul Sawat ng nine points at seven rebounds.

Namuno sa opensa ng Mapua si Almell Orquina na may 19 points. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?