1,249

Oct 20, 2021 @ 19:59
By

‘Nosebleed’ na batas sinadya para hindi maintindihan – Robin Padilla

Nag-post ng tungkol sa batas ang action star na si Robin Padilla sa gitna ng rebelasyon ni Aljur Abrenica laban sa anak niyang si Kylie.

Sa Instagram, may hugot si Robin tungkol sa batas na hindi aniya ginawa para maintindihan lang ng matatalino at may mataas na katayuan sa buhay.

Giit niya, nilikha ang batas para sa proteksyon ng mas nakararami, mahina, mahirap at walang laban.

“Ang mga batas na inukit sa malalalim na banyagang salita ay sinasadya para hindi maintindihan ng karamihan ng mga tao. Isang malinaw na panlilinlang sa interes ng Inangbayan at taongbayan,” ani Binoe.

Ang post ni Robin ay sa gitna ng hamon ni Aljur kay Kylie na sabihin ang totoo kung sino sa kanila ang unang nangaliwa at sumira sa kanilang pamilya.

Inakusahan din ni Aljur si Robin na pagsasabi ng one-sided story tungkol sa hiwalayan nila ni Kylie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?