38

Jun 21, 2020 @ 19:11

Norwood lumapit na dunkfest Final 4

Huling araw ng botohan sa third round at umaasang masusungkit ng pambato ng Pilipinas na si Gabe Norwood ang isa sa silya sa semifinals ng FIBA Dunk of the Decade.

Bitbit ng player ang 52.40% boto sa round 3 sa ‘in your face slam’ kay NBA veteran Luis Scola ng Argentina sa Spain 2014 FIBA Basketball World Cup.

Mayroon 47.60% votes si Arsalan Kazemi ng Iran sa dakdak na sa 2016 FIBA Olympic Qualifying Tournament.

Makakatapat ni Norwood ang entry mula sa Americas division na pinaglalaban nina Rafael Mineiro ng Brazil at Juan Toscano ng Mexico. (Lito Oredo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?