23

May 15, 2021 @ 20:58
By

Norwood feel maging kuya sa Rain or Shine

Unti-unti ang pagpapalakas ng Rain Or Shine sa bumubuo dito sa nakalipas na panahon sa isinasagawa na patuloy na pagdagdag ng mga batang manlalaro para sa Elasto Painters.

Kaya naman bilang isa sa mga natitirang beterano sa koponan ay inaako ni Norwood ang maging kuya at giyahan ang mga bagong dating upang maging “future of the franchise.”

Nakikinita din ng Fil-Am guard ang maiigting na paglalaro para sa Elasto Painters sa pagkakadagdag ng panibagong grupo ng mga batang dugo sa koponan sa darating na ika-46th season ng PBA.

Nakuha ng Elasto Painters sina Leonard Santillan, Franky Johnson, Anton Asistio at Andrei Caracut para idagdag nito sa kanilang lineup sa tila isang masaganang pag-ani sa nakaraang rookie draft.

Mas lalong bumata ang Rain or Shine sa listahan matapos manatili sina Rey Nambatac, Javee Mocon, Adrian Wong at Prince Rivero na nakuha din sa nakalipas na draft.

“We have a lot of youth in the team now but we’ve kind of embrace our roles of kuya and we’re going to go from there,” sabi ni Norwood kay dating PBA Commissioner Noli Eala sa pagdalo sa Power & Play program Sabado.

Tanggap ni Norwood ang rebuilding process sa pag-usad ng koponan kahit alam nito na kaunti na lamang ang naiwan na beterano sa koponan na hahawakan ng bagong coach na si Chris Gavina.

“It has been a steady progression over the last few years. We added Rey Nambatac, we added Javee Mocon, we add those type of pieces, and to add Anton, Leonard, we got Franky and Andrei. It’s exciting times. Its opportunities for these guys. I think it’s been proven at Rain or Shine that you’re gonna play because we use the full roster, and it’s gonna be a chance for them to really step up and build their place in the league,” sabi nn Norwood.

Maliban dito, ang ibang natirang old timer sa prangkisa ay sina Beau Belga, Mark Borboran, Jewel Ponferada at si two-time MVP James Yap. (Lito Oredo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?