159

May 11, 2019 @ 11:49
By

Norwegian patay sa kagat ng ni-rescue na aspin

Namatay ang isang babaeng Norwegian matapos magbakasyon sa Pilipinas matapos itong magsalba ng isang tuta.

Noong Pebrero ay nagtungo si Birgitte Kallestad, 24, sa bansa para sa bakasyon.

Dito ay nakita niya ang isang tuta sa kalsada habang naglilibot at naawa dito kaya’t dinala sa bahay.

“Birgitte put the puppy in a basket and brought him home. She cleaned it and cared for it and to her joy it started healing. They played with the puppy in the garden” ayon sa pahayag ng pamilya ni Birgitte.

Habang nakikipaglaro, kinagat ng tuta si Birgitte at nang bumalik ito sa Norway ay dito na nagsimulang magkasakit.

Dinala sa intensive care unit si Bridgitte ngunit di kalaunan ay pumanaw din ito.

Hindi umano naturukan ng anti-rabies si Bridgitte maging ang mga kaibigan nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?