handcuffed3
By

Norwegian na wanted sa homicide, nadakip ng BI

Sharing is caring!

Isang puganteng Norwegian na wanted sa pagpatay sa kanyang kapatid ang ipadedeport ng Bureau of Immigration (BI) pabalik ng kanyang bansa.

Ayon sa BI, si Helge Stensland, 52 taong gulang, ay inaresto noong June 6, 2018 sa kanyang bahay sa Sta. Cruz, Laguna ng mga operatiba ng BI-Fugitive Search Unit (FSU).

Pinaghahanap si Stensland ng mga awtoridad sa Oslo para mapanagot sa pagpatay sa kanyang kapatid na si Audun na kanya umanong nasaksak noong October 16, 2016.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na si Stensland ay nahatulan na ng korte sa Norway na mabilanggo ng pitong taon para sa kasong homicide.

Nabatid na pinagbabayad din si Stensland ng mahigit 1.7 million Norwegian Krones na katumbas ng mahigit P11 million.

Pero tatlong buwan matapos siyang mahatulan ay bumiyahe si Stensland patungo ng Pilipinas nitong Abril ng taong ito.

Nadiskubre naman ng BI na madalas na nagpapabalik-balik si Stensland sa Pilipinas sa nakalipas na dalawang dekada dahil siya ay kasal sa isang Pilipina kung saan siya ay mayroong dalawang anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?