34

Sep 23, 2021 @ 18:54
By

Northport niregaluhan ang Ginebra

Bagamat natalo sa first game ng PBA Philippine Cup ngayong Huwebes kontra Meralco Bolts, 79-66, buhay pa rin ang pag-asa ng Ginebra na makapasok sa quarterfinals.

Ito ay dahil dinispatsa ng Northport Batang Pier ang Alaska Aces sa sumunod na laro, 122-94.

Sa pagtatapos ng elimination round, tabla ang Ginebra, Terrafirma at Phoenix sa ikawalong pwesto hawak ang 4-7 na kartada.

Dahil sa quotient system, Terrafirma at Phoenix ang maglalaban sa huling pwesto sa playoffs sakaling manalo ang Alaska, ngunit ‘di ganoon ang nangyari.

Kinontrol ng Batang Pier ang buong laban sa pangunguna ni Robert Bolick na kagila-gilalas sa triple-double na 22 points, 13 rebounds at 13 assists.

Tinapos ng Northport ang elimination round sa ikalimang pwesto at makakalaban ang San Miguel sa quarterfinals.

Samantala, Ginebra at Phoenix ang maglalaban para sa pang-walong slot, na haharap sa TNT Tropang Giga sa quarterfinals.

Ang Meralco naman ay hawak ang second seed. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?