21

Jul 21, 2021 @ 18:03
By

Northport nag-init! Tinambakan Phoenix

Nagpakitang-gilas ang mga baguhang manlalaro ng Northport Batang Pier nang kanilang tambakan ang Phoenix Super LPG, 115-79, para sa kanilang unang panalo sa PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Matapos hindi maramdaman sa una nilang laban kung saan sila ay natalo, naginit ang mga rookie na sina Troy Rike at Jamie Malonzo para sa Batang Pier.

Anim na tres ang pinakawalan ng sentrong si Rike at tumapos ng may 20 points at walong rebounds, samantalang 15 points naman ang inambag ni Malonzo.

Ang kanilang magandang laro ay sumuporta sa naglalagablab na 20 points at 11 assists na pinakawalan ni Robert Bollick.

Sinimulan ng Northport ang second quarter sa isang 17-2 run upang mabuo ang 39-20 na lamang at mula rito ay hindi na lumingon pa.

Nanguna naman si Vic Manuel sa kanyang 26 points para sa Phoenix, na bumagsak sa 0-2 kartada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?