258

Sep 13, 2021 @ 14:52
By

North-South formula BBM bagay katandem ni Sara—HPS official

Isang opisyal ng Hugpong Para kay Sara (HPS) ang nagsabi na ang bagay na katandem ni Davao City Mayor Sara Duterte sa 2022 elections ay si dating Sen. Bongbong Marcos.

Ayon kay Abra Rep. Joseph Sto. Niño Bernos, vice president ng HPS ang North-South formula ay isang mabisang formula upang manalo sa eleksyon.

“I might be biased….. because I’m an Ilocano and I hail from the north… Yung north tsaka south that is a proven formula… I guess in my own opinion the most logical choice for that position is BBM,” sabi ni Bernos sa official launching ng HPS ngayong Lunes.

Sa isang statement, sinabi naman ni Bernos na ang Duterte-Marcos tandem ay “best team” na kayang magpalakad ng bansa dahil sa kanilang mga karanasan at puso para sa mga ordinaryong mamamayan.

Inilungsad ang HPS sa kabila ng pahayag ni Mayor Duterte na hindi ito tatakbo sa isang national position matapos ianunsyo ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte na tatakbo ito sa pagkabise presidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?