26

Sep 15, 2021 @ 14:14
By

North Korea nagtesting 2 missile – awtoridad

Nagpakawala umano ang North Korea ng dalawang ‘di pa natutukoy na ballistic missile sa karagatan ng silangang bahagi ng Korean Peninsula ngayong Miyerkoles, ayon sa ulat ng South Korea.

Ayon naman sa Coast Guard ng Japan, ang unang missile ay pinakawalan dakong 12:38 p.m. habang ang pangalawa ay 12:43 p.m. (oras sa Japan).

Dugtong pa ng Japanese Government, ang mga missile ay bumagsak sa karagatang nasa labas na ng exclusive economic zone ng North Korea.

Ito ang unang ballistic missile test na isinagawa ng North Korea mula ng maupo bilang pangulo ng US si Joe Biden.

Ang US ay katuwang ng South Korea sa pagmamanman sa aktibidad ng militar ng North Korea.

Noong mga nakaraang buwan ay ipinarada ng North korea ang dalawang bagong missile na tinataya ng mga eksperto na kabilang sa mga pinakamalalaki ngayon sa mundo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?