65

Oct 24, 2020 @ 23:06
By

North Korea nagbabala sa alikabok galing China

Binalaan ng North Korea ang mga mamamayan nito na manatili sa loob ng bahay dahil posibleng may dalang coronavirus ang seasonal yellow dust na nililipad mula China.

“As the new coronavirus infections continue to spread around the world, the need to deal with the yellow dust and take thorough measures has become more critical,” saad sa official party newspaper Rodong Sinmun ng North Korea sa ulat ng Global News.

Sinasabi ng North Korea na nananatili silang coronavirus-free pero naka-high alert na simula pa Enero.

Wala pang patunay na nag-uugnay sa seasonal dust at COVID-19 pero hindi lang ang North Korea ang nagsasabing may kaugnayan ang dalawa, ayon sa ulat ng BBC.

Maging ang Turkmenistan ay inaakusa na ang virus-laden dust ang dahilan kung bakit madalas nilang paalalahanan ang kanilang mga mamamayan na magsuot ng face mask.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?