27

Feb 27, 2020 @ 15:04
By

North Cotabato inuga ng magnitude 4.5 na lindol

Ginulantang ng magnitude 4.5 na lindol ang Makilala, North Cotabato nitong Huwebes.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol ng alas-9:03 ng umaga at tectonic ang origin.

Naramdaman ang Intensity 5 sa Kidapawan City at Tulunan, North Cotabato.

Kaya agad pinag-utos ni Mayor Joseph Evangelista ang suspensiyon sa lahat ng antas sa Kidapawan City maging ang trabaho sa Kidapawan City Hall pa na rin sa kaligtasan ng lahat.

Samantala, naranasan ang Intensity 3 sa Bansalan at Hagonoy, Davao Del Sur; Intensity 4 sa Kidapawan City; Intensity 3 sa Malungon, Sarangani; Intensity 2 sa Koronadal City at Tupi, South Cotabato; at Intensity 1 sa Alabel, Sarangani at Davao City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?