64
Lalaki huli sa pagdadala ng shabu sa LRT
Oct 14, 2019 @ 17:25
By

Normal na operasyon ng LRT 2 target maibalik bago mag-Pasko

Pipilitin ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na maibalik sa normal ang kanilang operasyon sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan o bago mag-Pasko.

Ito ang naging pahayag ni LRTA spokesperson Hernando Cabrera kasunod ng naganap na aberya kamakailan dulot ng pagkakasabog ng power rectifiier sa Santolan Station na nagresulta sa pagkakatigil ng operasyon.

“If we are going to do a component-by-component replacement instead of doing a full unit replacement, we might be able to bring the timetable down to around two to three months only, instead of a nine-month minimum,” ani Cabrera.

Tinatayang nasa 200,000 commuters ang sineserbisyuhan ng LRT-2 na dumaraan sa may limang siyudad sa Metro Manila.

Inaasahang bago pa man dumating ang Kapaskuhan ay maibabalik na nang tuluyan ang buong operasyon ng LRTA 2 para magserbisyo sa mga pasahero nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?