123

Oct 16, 2017 @ 15:59

Noranians, saludo kay Maricel

Bumilib ang ICON (International Circle of Online Noranians), ang grupo ng fans ng Superstar na si Nora Aunor na nag-organize ng 50th showbiz anniversary ng premyadong aktres na ginanap sa Sampaguita Garden noong Saturday sa galing makisama ng Diamond Star na si Maricel Soriano.

Isang miyembro raw kasi nila ang nag-imbita kay Marya para mag-present ng plaque kay Mama Guy at napakadali raw kausap ng aktres na kilala noong araw bilang Taray Queen.

Actually, nauna pa nga raw ng 5 minutes si Marya kay Mama Guy sa nasabing event.

“Sinundo ko sa car si Marya, sabi ko, mag-stay muna siya roon at tatawagin ko na lang kapag part na niya o kaya sabi ko, puwede muna siyang kumain somewhere na malapit doon kasi nga medyo nagkakagulo ang fans sa loob. Pero sabi naman ni Marya, iikot lang sila sandali at nang dumating na si Ate Guy, pinabalik ko na sila,” sey ni Albert Sunga, na kilalang Noranian.

Nagkasama sina Mama Guy at Marya sa pelikula noon. Kaya nung nag-iisip daw sila kung sino ang mga puwedeng imbitahan sa golden anniversary event ng Superstar, isa sa kinausap nila ay si Marya.

Ang dali raw kausap ng Diamond Star at talagang pinaghandaan nito ang importanteng event sa career ng Superstar.

“Wala siyang kaarte-arte nang kausap ng member naming si Vonnel Mirandilla na based sa Saudi Arabia. Pumayag kaagad si Marya, kaya tuwang-tuwa sa kanya ang Noranians!” dagdag pa ni Albert.

Pangarap nga ng Noranians ngayon na muling mapagsama sa isang pelikula sina Mama Guy at Marya at sana raw ay gawin ‘yon ng Regal Entertainment producer na si Mother Lily Monteverde na um-attend din sa nasabing event. (JUN LALIN)

Barbie-Ken, sinagasa ang bagyo

Kahit bumabagyo noong Saturday, dinumog pa rin ang dalawang mall shows ng pelikulang This Time I’ll Be Sweeter ng loveteam nina Barbie Forteza at Ken Chan. Puno pa rin ang SM Valenzuela at Star Mall sa San Jose del Monte, Bulacan, kaya tuwang-tuwa sina Barbie at Ken.

Patunay lang ‘yon na tanggap talaga ng fans ang loveteam nina Barbie at Ken kahit pa nga maraming nakakaalam na this time ay mas sweeter ang young actress sa tinaguriang Mr. Abs na si Jak Roberto.

Kahapon, nasa SM City Baliwag naman ang cast ng pelikula ni Mother Lily Monteverde, pero si Ken lang at ang ibang co-stars nila dahil nasa SM City Rosario, Cavite si Barbie para naman sa mall event doon ng isang apparel na kanyang ine-endorse.

Matagal na raw kasing commitment ‘yon bago pa man nakapag-book ng mall show ang Regal Entertainment. Sa November 8 pa naman daw ang showing ng This Time I’ll Be Sweeter, kaya marami pa silang puwedeng gawing mall shows para sa promotions ng pelikula. (JUN LALIN)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?