152

Oct 16, 2017 @ 15:05

Nora, emote to death sa 50th anniversary niya

Naging unforgettable nga kay Nora Aunor ang selebrasyon ng kanyang 50th anniversary na fans niya mismo ang nag-organisa dahil sa pagdating ng ilang personalidad na naging malapit sa kanyang puso. Emotional nga ang Superstar dahil sa kaligayahan.

Pati nga ang venue na Sampaguita compound ay nagpapaalala kay Nora sa maraming pangyayari sa kanyang buhay lalo na ang selebrasyon noon ng kanyang 18th birthday na dinumog ng libu-libong fans.

Napakalaking bagay nga para sa ating superstar ang pagdalo nina Maricel Soriano, Mother Lily Monteverde, Ricky Lee, Elwood Perez, Esperanza Fabon, Victor Wood at marami pang iba sa nasabing okasyon.

Marami nga ang natuwa sa pagdating ng Taray Queen na si Marya lalo na at alam namin na isa ito sa mga nagpahayag nang pagkadismaya noong hindi ma-declare na National Artist si Ate Guy.

Lalo na nga’t bibihira rin itong dumalo sa showbiz functions, pero hindi niya talaga napahindian ang paanyaya ng mga tagahanga ng kanyang iniidolo.

Espesyal din siyempre kay Ate Guy ang pagdating ng Regal Matriarch dahil mahaba rin ang kanilang pinagsamahan.

Ang Valencia mansion na pag-aari ngayon ni Mother Lily ay ang pamosong Valencia mansion noon ni Nora Aunor.

Ayon sa aming source, walang kapaguran si Nora sa pakikipaghalubilo sa mga bisita at mga tagahanga na ang saya-saya sa mga inihanda para sa kanya.

Ilang selebrasyon na ang ginanap para sa kanyang golden year sa showbiz, pero isa ito sa most memorable para sa kanya.

At heto pa. Mukhang may isa pang malaking selebrasyon na gagawin ang iba pang mga tagahanga ni Ate Guy sa darating na araw.

Ikaw na ang maging superstar! (GLENN REGONDOLA)
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?