611

Dec 18, 2018 @ 18:23
By

Nora dinedma ang kasal nina Lotlot, Fadi

Walang Nora Aunor na dumating sa kasal ni Lotlot de Leon at ng kanyang longtime partner na si Fadi El Soury kahit umaasa ang kanyang panganay na sana ay dumalo ito.

Kung ano ang dahilan, well, maglalabasan naman ‘yan, although para sa iba, mukhang given na ito. Mabuti na lang at dumalo ang kinilala niyang tatay na si Christopher de Leon, ha!

Anyway, ang importante ay dumalo ang apat niyang anak kay Ramon Christopher at isang masayang pamilya sila na nag-celebrate.

Walang gaanong funfare ang kasalang ito katulad ng ibang mga artista, pero ang mahalaga ay supersaya si Balot na after six years ay pinag-isa na ang dibdib nila ng kanyang dyowa.

Isang simpleng garden wedding nga ito na dinaluhan ng kanyang mga mahal sa buhay, malalapit na kaibigan at mga associates sa negosyo ng kanyang dyowa.

Nakita namin sa mga larawan sina Matet de Leon, Ian de Leon, Sandy Andolong, Rayver Cruz.

Congrats and best wishes Lot at Fadi! ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?