15

Jan 26, 2021 @ 15:54
By

Nora Aunor balik-pelikula

Sa unang pagkakataon, gaganap bilang kontrabida si Superstar Nora Aunor sa isang pelikula.

Aniya, first time niya itong gagawin sa kanyang 50 taon sa industriya.

“Kontrabida” ang pamagat ng naturang pelikula sa direksyon ni Adolf, Alix Jr.

Makakasama ni Superstar sa naturang pelikula sila Gina Alajar, Jaclyn Jose, Rosanna Roces at Bembol Roco.

Kasalukuyang wala pang detalyeng inilalabas kung saan at kailan mapapanood ang naturang pelikula.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?