72

Dec 20, 2017 @ 18:26

NOPSSCEA naghari sa table tennis ng Palarong Panlalawigan 2017

Nakopo ng Negros Occidental Private Schools Sports Cultural Educational Association (NOPSSCEA)-Area VIII na kinatawan ng Lopue’s-La Salle ang table tennis championships sa the secondary level ng Palarong Panlalawigan 2017.

May twice to beat advantage na lumaban ang Lopue’s-La Salle girls team na kinabibilangan nina Micah Tanate, Gems Gellang, Stephanie Reign Villanueva, at Kylie Sophia Villanueva.

Napadapa nila ang Area IV, 3-1, para sa kampeonato.

Habang ang Lopue’s-La Salle boys team naman na kinabibilangan nina Niel John Lauren, Elmer Locsin, Matthew Tolentino, at George Saligumba ay may twice to beat advantage rin na tinalo ang Area IV at tinanghal na kampeon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?