94

May 23, 2022 @ 15:46
By

Noong Marso pa! Robert Bolick nagpatali na

Ikinasal na si Northport guard Robert Bolick sa kasintahang si Cassandra Yu.

Ibinahagi ni Yu ngayong Lunes sa kanyang Instagram ang kanilang civil wedding sa Cebu City Hall.

Pasabog ni Yu, noong Marso 22 pa sila kasal ng basketbolista. Sila ay ikinasal ni Mayor Michael Rama.

“When the time is right, when the intention is clear, when the heart is ready, God will surely let you experience being loved by the person He prepared for you,” saad ni Yu sa caption.

“We would like to thank Mayor Michael Rama for presiding our intimate civil wedding in Cebu and special thanks to Vice Mayor [Dondon Hontiveros] for accommodating us last minute and for being one of our sponsor at the wedding last March 22, 2022,” wika pa ni Yu.

Matatandaang naging kontrobersyal pa ang simula ng relasyon nina Bolick at Yu dahil ang alam ng publiko ay ang volleyball player na si Aby Maraño ang jowa ng Northport guard.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?