736

Jun 9, 2019 @ 20:20
By

#NoOneFightsAlone: Mga kabataan sama-samang nagbigay pag-asa sa cancer patient

“No one fights alone”, ito ang paniniwala ng grupo ng kabataan na sama-samang ibinigay ang kanilang mga natatanging kakayahan upang makatulong na isalba ang buhay ng isang cancer patient.

Isang pagtatanghal ang patuloy na pinaghahandaan ng Kahimanawari Productions, grupo ng mga kabataan na nagsama-sama para sa isang layunin – ang tumulong sa pamamagitan ng sining.

Karamihan sa miyembro ng naturang grupo ay mga estudyante mula sa senior high school at kolehiyo.

Isang theater play ang inihanda at pinaghusayan ng grupo na kanilang handog para sa breast cancer patient na si Ginang Dorothy Malit na kilala rin sa tawag na “Tita Babes”, isang ina na patuloy na hinaharap ang buhay na may positibong pananaw sa kabila ng pakikipagbuno sa karamdaman.

Nang makapanayam ng Abante ang mga bumubuo naturang theater play ay ibinahagi ng mga ito ang dahilan kung bakit pinili nilang maging bahagi ng nasabing benefit event.

“Bata pa lang ako ay pangarap ko nang makapagsulat ng isang kwentong mababasa, madidinig at makikita ng ibang tao. Inalok kami upang maging manunulat ng pagtatanghal na ito at nung malaman kong para din ito sa isang taong nangangailangan ng tulong ay kaagaran ko itong tinanggap ng buong puso. Alam kong sa pagsusulat na ito ay makakatulong ako, makakatulong at matututo, matututo at lalago, lalago at makapagbahagi pa ng mas malawak na kaalaman, abilidad, at talento sa pamamagitan ng pagsulat,” saad ni Romuel Gravador, 17-anyos, Grade 11 student.

“Nung tinap po kase kame for this big event, yes lang po talaga ang naisip kong sagot. Nakakatuwa nga po actually na magsusulat ako para sa isang big event na kagaya nito. “Nakatulong kana, nag-improve kapa” yan po talaga. Since, hilig ko naman po talaga ang pagsusulat ano ba naman yung simpleng pagtulong sa tao di ba po?,” pahayag ni Alyanna Timbol, Grade 11 student at isa sa mga script writer ng play.

Saad naman ng script writer na si Jb, “Alam kong hindi ako nabubuhay para sa sarili lamang. Lumaki ako na ganoon ang pananaw sa buhay. Hindi natatapos ang lahat sa paggising sa umaga at sa patuloy na pagsasalba sa iyong sarili mula sa mga pagsubok ng buhay. Mas nagkakakulay ang buhay kung matututo kang magsalba ng kapwa mo. Ang pagpayag kong magsulat para sa produksyon na ito ay isang pribilehiyo, hindi ito tungkol sa akin. Tungkol ito sa isang ina na patuloy na inilalaban ang kaniyang buhay at tungkol din ito sa walang katapusang pagmamahal na pinipili mong paalpasin kaysa ikulong lamang sa sulok ng iyong puso. Hindi ito tungkol sa pagpapasikat o ano pa man, tungkol ito sa paggamit sa buhay mo at paggamit sa mga angkin mong talento bilang mahalagang bahagi ng lipunan.”

“I was just giving back what I have received. Sharing God’s love, grace and hope to those people who are in need just as I was before. Also because I believe, in every battle, no one was created to fight alone,” saad naman ng direktor ng produksyon na si Alexis Tolentino, 20-anyos, fresh gradute mula sa kolehiyo.

Ani Jenmark Calub, isa sa mga aktor ng theater play, “Helping the needy has been part of my advocacy ever since I realized that I have the heart for other people. Being with the group whose common goal is to help the cancer patients through fundraising for its treatment is one of the greatest chance I ever had,”

“That once again, a chance to make my life more meaningful, a chance to transcend an impact, a chance to inspire, and a chance to be selfless and be able to share love. Few years ago I had a car accident, I had a partial tear in my ligaments and slight cracked on my joints – both in left knee. It’s the most painful 2 months of my life, that in this span of time I felt useless and hopeless. Having this experience made me realized that I’m still lucky enough that if you will see me now it’s like nothing happened.”

“My experience was nothing compared to Cancer. I suffered but I know that those cancer patients are suffering more, I felt useless and hopeless but I know that they’re embracing all the less word that they can think of. That painful 2 months is nothing compared to hours, days, weeks, months and years that they’re dealing with life killing disease. I’m not wealthy and I know it, but giving my time, my effort, and my talent can make a difference to save somone from agony to pain and grief in their heart. My purpose is to live my life with more meaning into it while I still can. We are strength to one another, nobody should fight their strugle alone, and in fact #NoOneShouldFightAlone.”

“I want to give back to the man that taught me what life really means when you have Jesus. I know that it is not an easy battle but it will not hinder the hearts of the people who is fighting with us. We will fight in the best way we know,” saad ng production manager na si Arlan Miranda.

Nakagaan umano sa loob ng anak ni “Tita Babes” na si Jairo Malit ang ginagawa ng grupo dahil malaking tulong ang magagawa ng malilikom na halaga mula sa pagtatanghal para sa pagpapagamot ng kaniyang ina.

Mapapanood ang kanilang pagtatanghal sa June 22, 2019, 6:00 pm at 9:00 pm sa Student Center, Bayan Muntinlupa City.

Sa kabila ng paniniwala ng ilang mga mas nakatatanda na iba na ang kabataan ngayon at tila hindi na nagsisilbing tanglaw ng bayan ay mayroon pa ring mangilan-ngilan na handang magsilbi sa kapwa at patunayang ang kabataan ay nananatili pa ring pag-asa ng bayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?