43
views
pba-obstacle
By

Noon bulinggit, ngayon higante: PBA giants sa Obstacle Challenge

Sharing is caring!

Pasintabi muna sa mga maliliit pero mabibilis at maliliksing PBA pointguards. Mga higante naman ang magpapasikat sa Obstacle Challenge ng 2018 PBA All-Star.

Paparada sina former MVP Asi Taulava, Sonny Thoss (Alaska), Raymond Aguilar (Ginebra), JP Erram (Blackwater), Kelly Nabong (GlobalPort), Russell Escoto (Columbian Dyip), Ken Bono (Meralco), Doug Kramer (Phoenix), Aldrech Ramos (Magnolia), Beau Belga (Rain or Shine), Yancy de Ocampo (San Miguel) at Yousef Taha (TNT KaTropa) sa pambihirang handog sa PBA fans sa event na hahataw Mayo 23 hanggang 27 sa Davao del Sur, Batangas City at Iloilo.

“Maganda itong naisip ng PBA. Mailalabas ng mga sentro/forward ng liga ang bilis at dribbling skills nila,” ayon sa isang panatiko ng PBA na si Jhay-ar Perez, die-hard fan ng Magnolia Ang Pambansang Manok.

“Tingin ko lamang diyan si Belga at si Kramer, kasi kahit matatangkad magaling sila mag-dribol at mabilis tumakbo,” komento naman ng San Miguel fan na si Oliver Macatangay.

Isa pang highlight ng All-Star week ang Three-Point Shootout na tatampukan ng mga tirador at mga dating kampeong sina defending champion Allein Maliksi, Terrence Romeo at James Yap.

Papasiklab sa kanila sina Jvee Casio (Alaska), LA Tenorio (Ginebra), Stanley Pringle (GlobalPort), Ronald Tubid (Columbian Dyip), Garvo Lanete (Meralco), Larry Fonacier (NLEX), Matthew Wright (Phoenix), Paul Lee (Magnolia) at Marcio Lassiter (San Miguel Beer).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?