67

By

Nonoy determinado: Babawi kami sa Game 2

Kahit na unang sabak pa lang ni Mark Nonoy sa finals ng UAAP men’s basketball tournament ay hindi naman nito binigo ang mga fan sa kinamadang career-high 26 points.

Gayunman, bigo ang UST Growling Tigers kontra three-peat seeking Ateneo Blue Eagles, 91-77, sa Game 1 ng best-of-three finals sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Big Dome.

Kaya isa lang ang nasa kukote ngayon ni Nonoy, rumesbak sa Ateneo sa Game 2 sa darating na Miyerkoles.

“Siyemre masakit kasi ito na yung goal namin [championship] pero na short kami,” pahayag ng 19-anyos na guard. “We did our best naman pero kinulang lang.”

Tiniyak naman niya na pagkatapos nito ay babalikwas sila upang makatabla sa serye.

“Kailangan naming ‘yung communication sa team kasi dun kami nagkalabo-labo. So bukas pa lang kailangan na naming mag-adjust sa training,” dagdag nito.

“Babawi kami sa Game 2.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?