24

By

Nonito rarambol sa ‘Super Series’

Wala pang dalawang buwan mula nang mabigo kay Irishman Carl Frampton sa Belfast nitong April 21 para sa bakanteng World Boxing Organization (WBO) interim featherweight belt, plano na ulit makipagbasagan ng mukha ng former four-division champion na si Nonito Donaire, Jr.

Interesado ang 35-anyos na makipagbugbugan sa bantamweight division sa second season ng World Boxing Super Series, isang professional boxing tournament na inorganisa ng Comosa AG at unang umupak noong Hulyo 2017 hanngang ngayong summer ng 2018 tampok ang dalawang weight classes: cruiserweight at super middleweight.

Kung matutuloy, posibleng makasagupa ni Donaire ang mga hari ng 118-pound class na sina titleholder Emanuel Rodriguez (IBF), Ryan Burnett (WBA), Zolani Tete (WBO) at Japanese star Naoya Inoue (WBA).

Sa panayam ng The Ring, sinabi ni Donaire na magandang pagkakataon ito sa kanyang career.

“I’ll jump at that opportunity,” sey ni Donaire. “It’ll be amazing, I’d love to be involved. I’ve always been the type of fighter to test himself. The tournament has the best champions and best fighters coming in. The four guys they already have, it’s mouthwatering for fighters like me. It’s like ‘Wow, this is what boxing is all about.’ This is what fighters are made of, to fight the best out there, and they have them all in one place.”

Gayunman, may agam-agam ang ilan kung uubra pa sa 118-pound class si Donaire dahil huling lumaban ito sa bantamweight noon pang Oktubre 2011 nang talunin niya sa puntos si Omar Narvaez.

Hindi nababahala ang umbagero.

“I’ve always been a smaller guy, I walk around a bit over 128. It’s never been a problem to make weight and I’m naturally very skinny. I’m very excited to go back where I’m comfortable, where I’m like everyone else,” wika nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?