89
Forced repatriation sa Libya, pag-aaralan pa ng Palasyo
By

Non-working holiday sa Masbate, Koronadal, San Carlos, dineklara ng Palasyo

Inilabas ng Malacañang ang ilang proklamasyon na nagdedeklarang special (non-working) day sa mga lugar ng Masbate, Koronadal City at San Carlos City.

Batay sa Proclamation no. 751 na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea, idineklarang walang pasok sa lalawigan ng Masbate sa June 24, 2019.

Ito ay upang ipagdiwang ng mga taga-Masbate ang Bagat-Dagat Festival na inaasahang kapapalooban ng mga aktibidad.

Sa June 29, 2019 ay wala ring pasok sa Koronadal City dahil sa selebrasyon ng Tree Growing Festival.

Nakasaad sa Proklamasyon No.752 na binibigyang pagkakataon ang mga taga-Koronadal na makapagdiwang para sa nabanggit na okasyon.

Wala ring pasok sa San Carlos City sa lalawigan ng Negros Occidental sa July 1, 2019 bilang selebrasyon sa pagiging lumgsod ng San Carlos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?